Magandang gabi sa lahat... Haixt...... Medyo masama pakiramdam ko ngayon....hehehe
Nga
pala.... maraming salamat sa mga sumusubaybay sa akin pati na rin sa
mga kwento na aking isinusulat...hehehe..
Sa sobrang likot ng utak ko
kung anu ano na ang naiisip ko...heheheh... Baka matagalan na akong mag
update kasi una maraming ginagawa tapos marami pang ginagaw... pasensya
ha..pero sususbukan ko na makapag update na.
Olweix Hir,
PLONG
_____________________________________________________________________________________
Halos
matumba ako sa kinakatayuan ko ng Makita ko si Vince sa kwarto. “Oy,
aba, si Mr. President eh sinusundo pa ako sa bahay naming. Ang sweet
naman. Hahahaha.. Ganyan ba ang epekto ng halik ko sayo?” sabay tawa. Sa
loob loob ko gusto ku ng patayin ang lalaking ito. Ang sarap pilipitin
ang ulo. May atraso pa nga siya sa akin. Kung hindi nga lang pamamahay
yun nila Tita Rose at Tito Marco eh talagang tinuluyan ko na to. Pero
nagpigil na lang ako. “Ang kapal naman nito. Bumaba ka na nga at
tinatawag ka na dun sa abab… Pa VIP ka pa eh…….syempre spoiled na
spoiled at pakiramdam eh hari na at ayan…..kung umasta eh lagging dapat
binibigyan ng importansya.” Mahabang tugon ko sa kanya. Bigla na lang
niya akong hinawakan sa braso at pinihit papunta sa kanya. “Ano ba ang
ginagawa mo ditto sa Kaharian ko?” sabay ngiti ng makahulugan. “Hayaan
mong ang magulang mo ang magpaliwanag.” At hinigit ko ang kamay ko at
tuluyan ng bumaba. Binilisan ko talaga ang pagbaba. Nadatnan ko sila
Titan a naghihintay pa rin at naguusap. “O, nasaan si Vince?” tanong ni
Tita. “Pababa nap o…” sagot ko at umupo na rin ako.
Mga
ilang minute, bumaba na si Vince. “Ano ginagawa ni Mr. President
ditto?” tanong ni Vince. “Magkakilala pa la kayo?” tanong ni tito Marco.
“Oo, magkakilala na kami, dun siya pumapasok sa school ko…” sagot ni
Vince na wala man lang galang. Siguro ganito lagi ditto, medyo malamig
ang atmosphere kasi nga lagging ganito ang asal ni Vince. Hanggang
matapos na kaming kumain. Pagkatapos nun, lumabas na kami at sumakay sa
sasakyan. Ang ganda ng sasakyan nila, innova na kulay Gray. Doon ako at
si Vince sa likuran. Medyo naiinis pa nga ako dahil hinila talaga ni
Vince ang kamay ko para mapaupo sa likuran ng sasakyan. Nang makasakay
na kami, ayaw pa rin bitawan ni Vince ang kamay ko kaya pwersahan ko na
itong kinuha. Ang higpit ng kapit niya at parang ipinapakita niya na mas
malakas siya. Pero sa huli kusa na niya itong binitawan. Halos
magkadikit na kami ni Vince dahil siniksik niya ako sa isang tabi.
Hindina lang ako umiimik para hindi na lang siya mangulit. At nakadating
kami sa kumpanya nila. Ipinaliwanag nila sa akin na kapag daw nagtapos
ako ng college, ditto raw ako magtatrabaho dahil daw sigurado dawn a
aasenso pa ito. Natuwa naman ako dahil malaki talaga ang tiwala sa akin
nila Tito at Tita. Halos hindi ko pinapansin si Vince para hindi na niya
akon guluhin. Nakinig ako sa bawat paliwanag nila tito at tita pero
etong si Vince eh walang pakialam.
Nang nasa 10th
floor na, dun na ang magiging opisina ko. Binigyan nila ako ng trabaho
kahit na hindi pa ako graduate. Free training na daw yun. Napansin ko
lang na marami ang nag sisingitngitan ng Makita si Vince. Ang lakas
talaga ng appeal ng mokong na to. Kahit na batugan ayon at
pinagkakaguluhan pa. Siyempre di sila makalapit, nandun kasi sila tito
at tita. Pagkatapos naming matour yung company, pumunta kami sa mall
para mamili ng mga gamit ko. Nung una, umayaw ako kasi nakakhiya pero
napaoo na rin ako dfahil sa sobrang pagpupumilit nila. Matapos ang
lahat, umuwi na kami.
Isang lingo ang
lumipas. La pa ring imikan kasi di ko naman siya iniimikan. Pero
napansin lang daw nial tito at titan a himala at sobrang aga umuwi ni
Vince. Kasi daw dati eh alas 10 na kung dumating siya sa bahay. Pag may
pasok, napasok pa rin ako. Kahit na amgkaklase kami ni Vince, di ko pa
rin iniimikan kahit na ilang beses na nangungulit. Di rin naming
pinapaalam na sa iisang bubong kami tumitira ni Vince. Makaraan ang
ilang araw, nagging abala ako sa paglilibot at pag tingin sa bahay para
maging gamay ko para pag naglinis ako di ako mahihirapan. Hanggang sa
umalis na sial tito at tita. Halos isang taon silang mawawala.
Kinabukasan,
sabado. Ako todo linis. Pero talagang may sapi talaga ng masamang
ispirito itong si Vince dahil kakatapos ko lang magpunas ng
direderetsong pumasok ito sa bahay na nakasuot ng sapatos kaya dumumi
ulit ito. Di na ako umimik dahil alam kong sinusubukan niya ako. Parati
niyang kinokontra ang bawat gawin ko. Kahit na may katulong ako pa rin
ang gumagawa dahilsiya ang nag uutos. Gusto man na tumulong ng mga
katulong, wala silang magawa. Talagang planado ito Ni vInce. Ilang lingo
na ganun na olang ang ginagawa nito sa akin. Nung napuno na ako dahil
sa ginagaw niya talagang sinigawan ko siya… “ Ano ba ang gusto mong
mangyari? Gusto mo akong paglaruan ha? Oo nakatira ako ditto para
magalaga ditto, okay lang kung maglinis ako, maglaba at kung anu ano pa
pero ang abusuhin at paglaruan ako… Aba iabng usapan nay an…” at bigla
ko na lang siyang iniwanan.
Pero isang
sabado, nagulat ako ng bigla na lang niya ako hinila at sinabing
magbihis daw ako dahil aalis kami. Para akong aso na sumunod agad.
Naiinis ako talaga sa taong ito. Di mo malaman kung ano ang iniisip.
Pagkabihis ko hinila niya ako at direderetso na pinasakay sa kanyang
kotse. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. “Hoy, san mo ba ako
dadalhin?” pagtatanong ko sa kanya. “Basta, maghintay ka na lang.” sagot
niya. Kaya ayon din a ako nagsalita. Makaraan ng ilang minute
nakarating kami sa isang bay side. Maganda doon. Maaliwalas. “Ano ba ang
gagwin natin ditto?” tanong ko. “Siyempre mag gagala……. Heheheheh”
sagot niya. “Ibalik mo na nga lang ako…… Marami pa akong lilinisin…baka
sabihin mo pa na nagpapaeasy easy ako ditto….” At tatalikod na ako nun
ng bigla niyang hinawakan ang braso ko. “San ka ba pupunta ha…….” Tanong
niya. “Edi uuwi na….” sagot ko. “Ano ba…… nagsosorry na nga ang tao
eh…o “ sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. “Ha….ikaw mag sorry… may
lagnat ka ba? O may nakain kang masama?” pagbibiro ko. “Sige lokohin mo
pa ako…. Kita mong seryoso ang tao…. Sorry kung medyo nahirapan ka sa
akin…… alam kong mali ako…….. Kaya sorry talaga…… Masyad0 akong nagging
mapagmataas…..” at nakipagkamay siya sa akin. Tinanggap ko namana. Kung
susuriin, mabait namana pala itong si Vince eh. Masungit nga lang. Pero
sabi nga nila may dahilan ang mga bagay bagay. Naging masya naman ako sa
lakad naming. Marami akong nalaman sa kanya at sa palagay ko nagging
mas malapit kami.
Pagkadating namin nakahanda
na ang hapunan. Pagkatapos namin kumain nagkwentuhan. Tawanan at
biruan, parang wala ng bukas. Tapos ng medyo gabi na nagyaya na akong
matulog. “Good night….” Sabi niya. “Good night din…”. Tapos diretso na
ako sa kwarto ko. Naabutan ko pa nga yung mga katulong eh. “Ui kuya
Kyle….. Ang galling mo ha…” sabi ni Lani. “Bakit naman?” tanong ko.
“Aba…ikaw pa lang pa ata ang nakapagpatawa dyan kay Kuya Vince. Di pa
nga namin nakikita yan natawa eh. Ni ngiti nga wala. Laging seryoso ang
mukha….” Sabat ni Ann. Bigla naman nakisali yung hardinero n ila. “Oo
nga tol….grabe ang galling mo…hahahah……..the best…” at nagtawanan kami.
“Kung anu ao mga iniisip nitong mga ito… matulog na lang nga tayo. At
natulog na kami.
Pagkagising ko nakahanda na ang
pagkain at sa unang pagkakataon, sumabay sa pagkain ko si Vince mula ng
umalis sila Tito at tita. “O himala ata at sumabay ka sa akin.” Pagbiro
ko sa kanya. “Bakit ayaw mo ba Mr. P… hahahahah…. Sige aalis na lang
ako…” pagbibiro niya. “Ulol talaga to…. Kain na atyo at baka malate pa
tayo.” At kumain na kami. Isinabay na rin niya ako pagpasok. Sabi ko wag
na pero talagang mapilit.
Malaki na ang pinagbago ni Vince ang
dAting bully side at seryosong pag uugali, napalitan na ng maligaya at
mabait na pagkatao. Ang sarap Makita na ang tao ay nagbabago. Pati ang
mga grades lahat tumataas. Dahil dun, nagkayayaan na mag inuman kaming
dalawa ni Vince. Sabi ko di ako umiinom pero sabi niya okay lang yun
para naman daw matuto ako. Dahil sa pagpupumilit ayun at napapayag ako.
“Unti
lang ha…. Pattayin kita pag nalasing ako…baka mgwala pa ako ditto…”
sabay tawanan. “hahaha…subukan mo lang at itatali kita jan.” At kumuha
na siya ng maiinom namin. Doon kami sa kwarto niya nag inuman. Binuksan
namin yung veranda at malaki na terrace nila sa taas. Nag umpisa na
kaming mag inuman. Ang lakas agad ng tama sa akin nung ininom ko. “Lam
mo Kyle, ang sya ko pag kasama kita…. Para bang sinasabi na masaya ka
kasama…… at ikaw lang ang nakakapagpatawa sa akin ng sobra…” sabi ni
Vince. “Pansin ko nga…ang laki na nga ng pibnagbago mo eh…pati mga
grades mo eh nagbago. ….. Pero bakit nga ba ganun ka?” tanong ko.
“Paanong ganun?” tanong naman nkya. “Yung parang rebelde.” Medyo
natagalan siya sa pagsagot.
Bigla na lang siya nagsalita. “Mula ng
pagkabata ko, parang wala na rin akong magulang dahil di ko sila
nakakasabay kung kumain. Di ko pa nga sila naabutan eh. Laging trabaho
ng trabaho. Alam ko na dapat intindihin ko sila pero sobrang nagalit ako
sa kanila ng hindi sila sumipot sa pinakaimportante ng buhay ko.
Gumaraduate ako ng Grade 6 ng wlang magulang na kasama. Tanging si Tito
Josh ang sumama sa akin. Masakit yun. Kaya mula nun napag isip isip ko
na since mag isa ako lagi mag sosolo na lang ako. “ mahabang tugon niya.
Naiintindihan ko siya kung bakit siya nagkakaganyan. Mahirap nga na
meron kang magulang pero wala sila sa tabi mo. “mali rin ang ginawa
mo……. Pero alam ko kung ano nararamdaman mo….. ramdam ko na sobrang
sakit nun.”
Marami pa akong nalamn sa kanya. Mga
bagay na ngayon ko lang nalaman sa Kanya. Ng medyo nahihilo na ako nag
paalam na ako. “Uy nahihilo na ako” ng patayo na ako, medyo natumba ako
klaya ipinasok na niya ako sa kwerto niya. Ng nasa kama na kami napahiga
kami pareho na nakapatong siya sa akin. Nagkatitigan kami at bigla na
lang lumapat ang labi niya s akin.
(Itutuloy)
excuse me but I THINK YOU ARE ILLEGALY COPYING MY STORY... IU WAS SO DISAPPOINTED... THIS IS MY STORY AND NOW MAKIKITA KO NA IPLAGIARISE MO? DI BALE SANA KUNG NILAGAY MO NA SA AKIN GALING YANHE EH PERO PINALITAN MO..... :/
ReplyDelete